PatrolPH

Environmental officer tinadtad ng bala sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2022 10:31 PM

Patay ang isang environmental officer matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa bayan ng Hilongos, Leyte noong Sabado.

Ayon sa pulisya nitong Lunes, papunta ang biktima na si Jenifer Mendoza, 49, sa kaniyang bukid sakay na kaniyang motorsiklo at pababa na siya sa Purok Kamunggay sa Brgy. Lamak nang pagbabarilin siya ng salarin.

Tinamaan siya sa iba't-ibang bahagi ng katawan na dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.

Ayon sa pulisya, isang municipal environment and natural resources officer (MENRO) si Mendoza.

Inaasahan ng mga awtoridad na makakatulong sa imbestigasyon ang CCTV footage malapit sa pinangyarihan ng krimen. —Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.