Healthcare worker sinabuyan ng bleach | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Healthcare worker sinabuyan ng bleach

Healthcare worker sinabuyan ng bleach

Jay Dayupay,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagpatingin sa mata si Ritchie Estabillo, isang utility staff member ng St. Louis Hospital sa Tacurong City, Sultan Kudarat matapos sabuyan ng bleach. Na-discriminate umano ang biktima dahil nagtatrabaho sa ospital kung saan may namatay na Patient Under Investigation (PUI) for COVID-19. Kuha ni Earl Perez

TACURONG, Sultan Kudarat - Isang lalaki sa lungsod na ito ang sinabuyan ng bleach nitong Biyernes matapos malamang nagtatrabaho siya sa isang ospital kung saan may namatay na Patient Under Investigation (PUI) for COVID-19.

Naiulat na papasok sana ng trabaho si Ritchie Estabillo sa St. Louis Hospital kung saan siya nagtatrabaho na utility staff member nang maisipan niyang dumaan sa isang tindahan para bumili ng babaunin sa trabaho.

May limang lalaki umano sa tindahan ang nakapansin sa kaniyang uniporme para sa mga personnel ng St. Louis Hospital. Paalis na si Estabillo nang bigla umano siyang sinabuyan ng bleach.

Nagawa pang makapagmaneho ni Estabillo papunta sa ospital kung saan agad na ginamot ang tinamong eye trauma.

ADVERTISEMENT

Nagpapagaling na si Estabillo sa tinamong mga sugat, na kung hindi naagapan kaagad ay posibleng magresulta ito sa permanenteng pagkasira ng kanyang paningin.

Kinondena ng St. Louis Hospital ang pag-atake kay Estabillo. Ayon kay Dr. Vanessa Joy del Muro, ang head ng Infectious Disease Control Committee ng ospital, nalagay sa panganib ang biktima dahil sa diskriminasyon.

"Our personnel is a bread winner, as many of our frontliners are, who in the present pandemonium, chose to bravely continue their duties to the community. At this time, we respectfully demand that justice be given. He is a frontliner," pahayag ni Del Muro.

"We demand justice for our healthcare personnel. He heeded the call of duty when others would not. Our healthcare workers remain unfazed by this discrimination they now face on a daily basis," aniya.

Naireport na sa pulisya ang nangyari at iniimbestigahan na ang pag-atake sa healthcare worker.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Del Muro, hindi ito ang unang beses na nakaranas ng diskriminasyon ang kanilang mga health worker. Mayroon silang staff na pinaalis ng kanilang boarding house, at may tinawagan din ng barangay na huwag munang umuwi sa kanilang bahay.

PUI DEATH

Nagsimula ang lahat nang mag-leak online ang isang report kung saan nakadetalye ang pagpositibo ng isa nilang patient under investigation (PUI) sa COVID-19. Naka-admit sa ospital ang PUI bago ito namatay noong March 14.

"Hindi nanggaling sa amin ang report na 'yon. Nag-circulate 'yong document online March 24. March 25 na namin natanggap ang email. And as a protocol, all those who handled that PUI were traced and have been in quarantine since," ani Del Muro.

Kinondena ng lokal na pamahalaan ang nararanasang diskriminasyon sa mga healthcare worker ng lungsod.

"Walang hanggan ang ating pasasalamat sa ating mga health worker sa lungsod na araw-araw nagsasakripisyo at itinataya ang kanilang buhay para sa ating mga kababayan. Hinihiling namin sa mga mamamayan ng Tacurong at mga karatig-bayan na lawakan ang pang-unawa," pahayag Tacurong City Government sa kanilang Facebook page.

ADVERTISEMENT

"Huwag tayong magpadala sa takot at walang basehang impormasyon na ang ating mga health worker ay nakakahawa. Ito ay pawang kamangmangan."

Isinailalim naman ngayong araw ang probinsya ng Sultan Kudarat sa enhanced community quarantine, kung saan pinatutupad na ang liquor ban at curfew mula ala 7 ng gabi hanggang ala 5 ng umaga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.