Pagawaan ng pekeng voter's ID sinalakay; 7 tiklo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagawaan ng pekeng voter's ID sinalakay; 7 tiklo

Arianne Apatan,
ABS-CBN News
Published Mar 28, 2019 04:59 PM PHT
|
Updated Mar 28, 2019 07:17 PM PHT

COTABATO CITY - Arestado ang pitong sangkot umano sa paggawa ng mga pekeng voter's ID at iba pang mga dokumento sa isang computer shop sa lungsod na ito.

Huli ang mga suspek noong Miyerkoles sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) nang magpanggap na magpapagawa ng pekeng voter's ID ang informant nila.

Kabilang sa mga naaresto ang may-ari ng computer shop, layout artist,at Xerox, at computer operator. Limang taon na rin umanong pinapatakbo ang naturang negosyo, ayon sa mga awtoridad.

Bumungad sa NBI ang mga pekeng voter's ID at iba pang mga public ID gaya ng PhilHealth.

ADVERTISEMENT
Nakita rin sa computer ng mga suspek ang mga pekeng dokumento tulad ng birth certificate, police clearance, AFP documents, at iba pa.

Nakumpiska ng mga operatiba ang tatlong computer set, printer, photocopying machine, laminating machine, at iba pang mga kagamitan sa paggawa ng mga umano'y pekeng dokumento.

Tingin ni Atty. Arnold Rosales, regional director ng NBI-Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), malaking batay ang operasyon lalo na't maaari raw magamit ang mga pekeng ID sa papalapit na eleksiyon.

"Sa palagay ko may ibang purpose pa ang pekeng voters ID, kasi nu'ng napasok namin ang lugar an'dami pang voters ID doon na fake. So puwede magamit nila 'yun sa eleksiyon," ani Rosales.

Nakapiit na ngayon ang mga suspek at nahaharap sa paglabag ng Article 176 ng Revised Penal Code o Violation of Manufacturing and Possession of Instruments or Implements for Falsification.