Bangkay ng mangingisda nakitang palutang-lutang sa dagat sa Samar | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkay ng mangingisda nakitang palutang-lutang sa dagat sa Samar

Ranulfo Docdocan,
ABS-CBN News
Published Mar 28, 2019 03:09 PM PHT

GANDARA, Samar – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Barangay Napalisan dito sa bayan, Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa awtoridad, nakatali ng fishing rope ang dalawang paa ng lalaking nakilalang si Nonito Diez, 65, isang mangingisda at residente ng Barangay Inonaguiao, Sta. Margarita sa Samar.

Napag-alaman ng awtoridad na may ilang araw na nawawala ang lalaki matapos magpaalam ito na papalaot upang mangisda.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Gandara Police tungkol sa insidente.