Pagpepenitensiya o pagpapapako sa krus, maaari bang ipagbawal? | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagpepenitensiya o pagpapapako sa krus, maaari bang ipagbawal?

Pagpepenitensiya o pagpapapako sa krus, maaari bang ipagbawal?

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 28, 2018 06:02 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi umano maaaring pigilan ng gobyerno ang pagpepenitensiya o pagpapapako sa krus ng mga Katoliko tuwing Semana Santa, ayon sa isang abogado.

Sa programang "Usapang de Campanilla" sa DZMM nitong Martes, ipinaliwanag ni Atty. Noel del Prado na kasama sa mga pangunahing karapatan ng isang tao ang malayang pagpapahayag ng relihiyon nito.

"Ayon sa ating Konstitusyon, parang hindi ito maaaring ipagbawal, sapagkat... ito 'yung nakasaad sa Bill of Rights, 'yung malayang pagtamasa at pagganap sa ating mga tungkuling relihiyoso," ani Del Prado.

"Hindi hinahayaan ang estado na makialam dito. Hindi puwedeng tanggihan, kailangan itong laging payagan nang walang hadlang," dagdag ng abogado.

ADVERTISEMENT

Bukod sa gobyerno, hindi rin aniya puwedeng guluhin ng mga ordinaryong tao ang pagpapahayag ng pananampalataya ng mga deboto.

"Yung pabasa, 'yung misa, 'yung pagsamba, lahat 'yan ay protektado bilang isa sa pinakamatataas na pagpapahalaga o values ng ating lipunan," giit ng abogado.

Bagama't walang batas na nagbabawal sa pagpepenitensya, maaari naman aniyang manghimasok ang gobyerno kung mayroon nang ibang tao na naaapektuhan o malawak na ang idinudulot nitong pinsala.

"'Yung kalayaan mong gumawa ng naaayon sa iyong paniniwala, kung halimbawa ikaw ay makasasakit, makamamatay, o makakaperwisyo sa iba, puwede nang panghimasukan ng estado," ayon kay Del Prado.

Iginiit din ng abogado na hindi kinikilala ng Simbahang Katolika ang pagpepenitensya bilang opisyal na tradisyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.