7 patay sa pag-araro ng trak sa 5 sasakyan, restoran

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2018 11:29 AM

Umakyat na sa pito ang kumpirmadong patay sa karambola ng mga sasakyan sa Taal, Batangas.

Sa inisyal na impormasyon na nakalap ng ABS-CBN News, naganap ang insidente pasado alas-6 ng umaga Miyerkoles.

Nakaparada umano ang isang 10-wheeler truck na wala raw kalso sa may Diversion Road sakop ng barangay Carasuche.

Dumausdos ito sa pababang kalsada at inararo ang ilang sasakyan, na nasapul ang isang restoran.

Iniimbistegahan na ng pulisya ang insidente at inaalam na rin ang pagkakakilanlan sa mga biktima.

Sa ulat ng Taal Police, pawang mga kostumer sa kainan ang ilang namatay sa insidente.

--May ulat ni Kevin Dinglasan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.