Publiko pinag-iingat sa heatstroke ngayong tag-init | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Publiko pinag-iingat sa heatstroke ngayong tag-init

Publiko pinag-iingat sa heatstroke ngayong tag-init

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

Clipboard

Residents play in an inflatable pool set up along a street in Quezon City on March 27, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News/File.
Residents play in an inflatable pool set up along a street in Quezon City on March 27, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News/File.

Pinapaalalahanan ng health reform advocate na si Dr. Tony Leachon ang lahat sa posibilidad ng heatstroke ngayong tag-init.

Ayon kay Leachon, mahalagang malaman ang maaaring idulot ng mataas na temperatura sa katawan at kung paano nagsisimula ang heat stroke na maaaring ikamatay ng mga makararanas nito.

"Kung ang katawan natin ay hindi natin kayang i-control yung ating internal temperature, at ang body temperature natin cannot reach 39 hanggang 40 degrees (Celcius). Ang ating katawan cannot cool down kasi yung sweating mechanism natin ay pumalya na o nag fail at ito ay maaaring fatal if left untreated," ani Leachon.

"Ang usual pasyente na naapektuhan nito ay yung mga bata at may edad, lalo na yung mga may comorbid conditions. Yung mga may diabetes, hypertension, may mga heart failure at yung mga bata naman na infants at mga nasa elementary," dagdag nito.

ADVERTISEMENT

"But it could also happen to normal individuals lalo na kung sobra ang init ngayong mga panahon na ito."

Dapat din umanong malaman ang sintomas ng heatstroke upang maiwasan o agad na makapagbigay ng first aid sakaling may makitang makararanas nito.

"Usually ang sintomas niyan ay pagka masyado mainit yung temperatura particularly let's say sa beach area or sa simbahan na hindi maayos ang ventilation or sa eskuwelahan or naipit ka sa kotse na walang magandang aircondition," paliwanag ng doktor.

"Usually magkakaroon ka ng cold clammy extremities, nahihilo ka, may headache ka, parang kapos ka sa paghinga. Minsan ang iba nasusuka at parang naduduwal, tapos meron kang hot flashes or red flash. Tapos unti-unti para kang nauupos, magkakaroon ka ng rapid breathing, tapos ang heart mo ay bibilis, tapos magco-collapse," aniya.

"Kung mararamdaman na agad, ipagbigay alam na sa kasamahan o umupo para hindi naman kayo ma-damage particulary iyong inyong mga ulo," dagdag ni Leachon.

Paalala ng doktor, maaaring maiwasan ang heatstroke labis man ang init ng panahon kung iinom ng maraming tubig at paggamit ng mga pananggalang sa araw tulad ng sumbrero at payong.

"Ang panlaban po diyan ay uminom ng marami pong tubig at magdala po kayo ng tubig. Number 2, kailangan mayroon po kayong sombrero or payong kung kayo ay maglalakad at kayo'y magtatrabaho. Kung kayo'y nagtitinda po sa mga kalye tapos ang inyo pong suot ay manipis, huwag po masyadong makapal. Siguraduhin niyo po na maganda po ang inyong pangangatawan, ang mga blood pressure ninyo at kung maaari po sana kung makakapagtrabaho kayo sa isang shaded area na maganda ang ventilation," paalala ni Leachon.

Kung mararamdaman na labis nang umiinit ang katawan at nanghihina, tumigil na sa paggalaw o paglalakad at humiga o umupo sa ligtas na lugar.

"Puwede nating maiwasan ito basta tayo po ay ready at dala dala po iyong first aid natin. Kung naramdaman kaagad, humiga kaagad dahil baka matumba o umupo para hindi masaktan yung mga importanteng parts ng ating katawan particularly po yung ulo. Ihiga niyo po tapos luwagan ang mga damit tapos kung wala po kayong makuhang yelo, yung towel or damit basain niyo po agad at ilagay niyo po sa mga area, let's say sa ulo po or sa kilikili o sa groin or punasan niyo po siya para ma-cool down po kaagad at itaas niyo po ang paa po niya kasi baka mababa po ang blood pressure. Paypayan niyo po iyan, usually po in 5 to 10 minutes gigising po yung pasyente kapag maganda ang ventilation," ani Leachon.

"Kapag nahimasmasan na, painumin niyo po ng tubig. Huwag niyo po paiinumin ng tubig kung tulog pa o kung medyo altered yung kanyang mental state at baka mabilaukan," paalala ng doktor.

Dapat din umanong iwasan ang pag-inom ng mga diuretic na gamot o mga gamot na nagdudulot ng madalas na pag-ihi.

"Iyong mga nagda-diuretic po na may edad na may congestive heart failure, pag nasa initan, huwag niyo po inumin at baka lalo kayong ma dehydrate. Iyong mga umiinom ng mga beer at alak sa sikat ng araw, puwede rin pong magkaroon nito," aniya.

Dapat din umanong limitahan ang pag-inom ng kape at mga energy drink ngayong tag-init.

"Ang kape kasi ay diuretic, nakaka-ihi po siya, usually nili-limit natin ang coffee sa 1 to 2 drinks a day ayon sa advice ng reputable medical agencies natin. Kung maaari iwasan po kung kayo ay pupunta sa initan. Samahan niyo po ng tubig para ma-dilute po ng konti kung sakaling maiihi," ayon kay Leachon.

"Marami po sa ating riders and even athletes po, nagbu-boost up sila ng energy drink, napaka grabe po ang content ng caffeine niyan at baka mag irregular beat po kayo to the point na kayo po ay mag-collapse. Huwag ninyong gawin iyan, kasi pag bilis po ng heart beat ninyo baka mag electrical instability at kayo po ay mag-collapse. Kung iinom kayo sige lang, siguro isa, pero huwag po masyado. Samahan niyo ng tubig po para ma dilute iyon," paalala ng health reform advocate.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.