Negosyo ng mga Pinoy sa Europa, apektado ng oil price hike | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Negosyo ng mga Pinoy sa Europa, apektado ng oil price hike

Mye Mulingtapang | TFC News Italy
Published Mar 27, 2022 04:32 PM PHT

MILAN - Ramdam ng restaurant owner na si Carlo Isip ang matinding epekto ng pagtaas ng mga bilihin at petrolyo. Sapul nito ang kanyang delivery service maging ang mga sangkap na gamit sa kanyang negosyo.

“Malaki rin yung epekto sa amin ang nangyayari ngayon sa Ukraine, especially yung sa pagtaas ng gasoline. Like kami, take-out and delivery. So kami, more on delivery kami, pero dahil iniisip rin natin yung mga kababayan natin dito sa Milan sa Italy, hindi kami basta magtataas ng price,” sabi ni Carlo Isip, restaurant owner sa Milan.

SWITZERLAND
Sa Switzerland, ang hotdog manufacturer na si Dennis Lunar kailangang humanap ng alternatibong paraan para maideliver ang kanyang mga produkto sa mga karatig bansa.

“Medyo malaki yung impact, ano unang-una nagtaas yung gasolina so for us, yung delivery namin yun yung number one na naapektuhan,” sabi ni Dennis Lunar, hotdog manufacturer sa Switzerland.

SPAIN
Sa Spain, ilang buwan na rin walang tigil ang pagtaas ng mga bilihin at mas pinalala pa ito ng patuloy na bakbakan ng Ukraine at Russia. Para kay Michelle Aglibot kailangan maging masinop at maparaan sa pag-budget ng pera.

“Malaking epekto ng buhay ang pagtaas ng gasolina, ilaw, tubig, pati na rin sa pagkain lalo na ngayon, kumbaga panic buying, pero bueno, may awa ang Diyos,” sabi ni Michelle Aglibot, residente ng Barcelona.

Nagka-kaubusan rin ngayon ng supply ng sunflower oil mula Ukraine. Kaya ang consumers, balik sa pagtangkilik ng local products. Sa Ukraine kasi galing ang mahigit 60% supply ng sunflower oil ng Spain, kaya naman nagkakaubusan ng mantika ngayon sa mga supermarket.

Walang kasiguradugan kung kailan ito matatapos pero ang tiyak sa ngayon ay nakaamba ang inflation na mas lalong magpapahirap sa mga ordinaryong mamamayan.

(Kasama ang ulat ni Sandra Sotelo-Aboy sa Spain)
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa Europa at Gitnang-Silangan, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT