PatrolPH

SK chairman sa Isabela, timbog sa pagtutulak umano ng marijuana

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2021 01:16 AM

Arestado sa isang buy-bust operation ang isang chairman ng Sangguniang Kabataan sa Cabatuan, Isabela nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang nahuli na si Joren Palomeno, 24, na SK chairman ng Barangay Centro.

Ayon sa Cabatuan Police, naaktuhan umano nila ang suspek na nagbebenta ng isang sachet na may lamang marijuana sa pulis na nagpanggap bilang poseur-buyer kapalit ng P500. 

Nang kapkapan ang suspek ay nakakuha pa umano ang mga awtoridad ng dalawang sachet ng marijuana at ang cellphone na gamit nito sa transaksyon.

Minamanmanan na ang suspek na kabilang umano sa listahan ng high value target, ayon sa pulisya.

Sinampahan na ang suspek ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.--Ulat ni Harris Julio

MULA SA ARKIBO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.