Tingnan: Ilang hotel, paaralan sa Davao City, handa na bilang COVID-19 quarantine site
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tingnan: Ilang hotel, paaralan sa Davao City, handa na bilang COVID-19 quarantine site
ABS-CBN News
Published Mar 27, 2020 03:56 PM PHT
|
Updated Mar 27, 2020 04:26 PM PHT

DAVAO CITY - Ininspeksyon ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio nitong Biyernes ang ilang hotel, inn at eskwelahan na magsisilbing quarantine site para sa mga indibidwal na hinihinalang mayroong novel coronavirus.

Libreng magagamit ang 280 kuwarto sa mga naturang gusali, ayon sa Davao City government. Tiniyak din nitong ibibigay nito ang pangangailangan ng mga dadaan sa quarantine.

Binabantayan ng mga awtoridad ang lagay ng 69 katao na may sintomas ng COVID-19. Kasalukuyan silang nasa isolation facility ng Southern Philippines Medical Center, ang tanging ospital sa lungsod na pinayagan ni Duterte-Carpio na tumanggap ng mga pasyenteng may COVID-19.

Hindi pa masabi ng alkalde kung kailan nakatakdang ilipat ang mga pasyente mula sa naturang ospital patungo sa mga bagong quarantine facility.

Hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, mayroon nang 4 na kaso ng COVID-19 sa lungsod at 799 iba pang "person under monitoring" na walang anumang sintomas pero nagbiyahe sa ibang bansa kamakailan o nagkaroon ng contact sa isang carrier ng sakit.

Sa buong bansa, mayroong 707 kaso ng COVID-19. Inaasahang tataas pa ang bilang sa pagdating ng mga karagdagang test kit, ayon sa health department.

Nasa ilalim ng lockdown ang buong Davao Region hanggang Abril 1 at ang buong Luzon, na may nasa 50 milyon residente, hanggang Abril 12.

May ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News
Read More:
COVID
COVID Davao City
COVID quarantine facility
COVID patients under investigation
COVID latest
COVID updates
COVID lockdown
ncov
health
virus
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT