PISTON nanawagan ng tulong para sa mga drayber na apektado ng lockdown | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PISTON nanawagan ng tulong para sa mga drayber na apektado ng lockdown

PISTON nanawagan ng tulong para sa mga drayber na apektado ng lockdown

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Umaapela ng tulong mula sa gobyerno ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) para sa mga drayber at iba pang apektado ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay PISTON President Emeritus George San Mateo, sa loob ng halos dalawang linggo mula nang ipatupad ang community quarantine ay hindi halos nararamdaman ng mga drayber at iba pang apektadong mamamayan ang tulong ng gobyerno.

"Bagama't kinikilala natin ang pagsisikap ng ilang LGUs at barangays na magkaloob ng tulong subalit hindi ito sumasapat. Hanggang ngayon ay higit na malaking mayorya ng mga tsuper at mamamayan ang walang natatanggap na tulong," ani San Mateo.

Dagdag pa ni San Mateo, mayroong 500,000 jeepney drivers at 200,000 individual small jeepney operators sa buong bansa na nakakaranas na ng gutom dahil sa kawalan ng kita mula nang magsimula ang lockdown.

ADVERTISEMENT

Mayroon na umanong ilang drayber na namamalimos na sa kalsada dahil sa kawalan ng pagkain.

"Ang masaklap, mabilisan ang pagpapatupad ng gobyerno ng lockdown pero hindi mabilisan o walang tulong na naibibigay ang pamahalaan. Kaya hindi natin masisi ang mga driver at kababayan natin na napipilitan lumabas ng bahay para maghanap ng anumang maaring ipangtawid-gutom sa kanilang pamilya sa bawat araw," dagdag pa ni San Mateo.

Bukod sa mas mabilis na pagpapaabot ng ayuda sa mga apektadong drayber at mamamayan, nananawagan rin si San Mateo ng libreng mass testing para sa mga mamamayan.

Naniniwala rin siya na mawawalan ng saysay ang ECQ kung hindi naman magkakaroon ng mass testing sa mga mamamayan.

"Ang nangyayari tuloy dahil sa ECQ ay inalisan lang ng gobyerno ang mamamayan nang pagkukuhanan ng kabuhayan lalo na ang mga nakadepende sa arawang kita katulad ng mga PUV drivers, konduktor, mga vendors at mga manggagawang kontraktwal na no work, no pay ang kalagayan ng trabaho," paliwanag pa ni San Mateo.

Nitong Huwebes, pumalo na sa 707 ang bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.