'Panghaharang sa mga mangingisda sa Scarborough ipoprotesta' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
'Panghaharang sa mga mangingisda sa Scarborough ipoprotesta'

ABS-CBN News
Published Mar 27, 2019 01:15 PM PHT
Tiniyak ng Malacañang na ipoprotesta nila ang umano'y panghaharang ng Tsina sa mga mangingisdang Pinoy na nais lumapit sa Scarborough o Panatag Shoal.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi nila papayagan ang ano mang pang-iipit sa mga mangingisda ng bansa.

"Definitely. We will not allow fishermen, countrymen to be harassed by any foreign entity," ani Panelo sa programang Early Edition ng ANC nang tanungin kung ipoprotesta nila ang umano'y panghaharang sa mga mangingisda.

Dagdag niya, maaari raw itong banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pagbisita sa Tsina para sa isang forum sa Abril.

"I think he (Duterte) will raise that as an issue during the visit [to China]. Si Presidente nagri-raise kaagad iyung mga ganoon, but hindi iyung para kang nagwawala," aniya.

Ayon pa kay Panelo, dapat na raw balikan ng gobyerno ang mga trade agreements na ikinasa sa pagitan ng Tsina dahil sa nangyari.

"Kung inaapi niyo kami eh teka muna, tingnan muna natin ulit iyung mga agreements natin," ani Panelo.

Magugunitang naglabas ng documentary ang senatorial candidate na si Neri Colmenares ukol sa umano'y hindi pagpapahintulot sa mga mangingisda na lumapit sa Scarborough Shoal.

Idinetalye rin dito ang pagkuha ng Chinese Coast Guard ng suplay ng mga mangingisda sa teritoryong dati nang pinaboran ng isang arbitral tribunal na suportado ng United Nations bilang tradisyunal na palaisdaan para sa Tsina at Pilipinas.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
balita
Scarborough
Scarborough Shoal
Panatag Shoal
Chinese Coast Guard
Duterte
Chinese
China
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT