Simbahan, may paalala sa mga nais magpenitensiya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Simbahan, may paalala sa mga nais magpenitensiya

ABS-CBN News
Published Mar 27, 2018 09:07 PM PHT
|
Updated Dec 28, 2018 12:13 AM PHT

Nanindigan ang Simbahang Katolika na hindi kailangang saktan ang sarili ngayong Semana Santa para pagbayaran ang mga kasalanang nagawa.

"Sapagkat ang Diyos ay hindi maibigin na ang tao'y magdusa. Ang gusto niya ay tayo'y maligtas, at ang ating katawan ay sagrado at hindi natin dapat itong parusahan nang walang pakundangan," paliwanag ni Fr. Dale Anthony Barretto Ko, dean of studies ng St. Francis de Sales Theological Seminary.

Ito ang naging reaksiyon ng simbahan sa prusisyon ng isang grupo ng mga lalaki sa tabi ng highway sa Sto. Tomas, Batangas.

Matapos ang halos isang kilometrong prusisyon, dumiretso ang grupo sa isang basketball court kung saan nagpapako sa krus ang lalaking kinilalang si Greg Meer.
Bahagi ito ng panata ng grupo tuwing Semana Santa, na limang taon na nilang ginagawa.

ADVERTISEMENT
Bukod sa paghingi ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan, alay umano ng grupo ang kanilang sakripisyo para sa adbokasiya sa pangangalaga sa kalikasan.

"Sana 'yung national government, puwede namang mag-issue ng mga laws, at ang mga LGU o local government ay magpasa ng ordinansa para mag-formulate ng policy na magpoprotekta sa kalikasan," ani Meer.
Nirerespeto naman ng Simbahang Katolika ang panata nina Meer.
Ngunit iginiit ng simbahan na hindi kailangang saktan ang sarili, at sa halip ay maaaring magsasagawa ng mga konkretong aksiyon ang grupo para sa itinutulak na adbokasiya.

--Ulat ni Mariz Laksamana, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
DZMM
Simbahang Katolika
simbahan
Semana Santa
Semana Santa 2018
SemanaSanta2018
prusisyon
tradisyon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT