Retrato mula kay Reiniel Pawid, ABS-CBN News.
Unti-unti nang tinatangkilik ng ilang konsyumer ang pagpapakabit ng solar panel sa kanilang bahay.
Si Grace Valencia, laking ginhawa simula nang makabitan ng tatlong solar panels ang kanilang bahay.
Mula sa halos P4,000 electric bill, bumaba na ito sa P1,500.
"Malaking bagay na po sa amin ito. Kahit walang kuryente ba halimbawa, mayroon kaming ilaw, tsaka nagagamit ng mga bata ang electric fan," dagdag ni Valencia.
Ang solar panel nina Valencia, kayang paandarin ang siyam na ilaw, apat na ceiling fans at pang-charge ng iba’t ibang gadgets.
Ayon sa isang solar panel distributor, sa loob ng anim na buwan, kaya nang bawiin sa natipid na kuryente ang pinambili ng solar power system.
Dapat din umanong isaalangalang ang lokasyon at laki ng bahay na pagkakabitan ng solar panels.
"Pagmalapit sa ilog mas mababa yung irradiation, siguro dahil sa condensation. So we want to make sure na yung solar investment ay really optimal, we simulate para yung size hindi masyadong malaki hindi rin maliit kasi nasasayang din kung hindi nagagamit," ani Netsolar president Paolo Concio.
Paalala ng Meralco, may kompensasyon para sa mga gumagamit ng renewable energy gaya ng solar.
Sa ilalim ng net metering system, posibleng maibenta sa Meralco ang sobrang kuryente mula sa solar panels.
"If there is a solar installation in your house tapos nag-export yan instead of decreasing your bill actually dadagdag yan it will counted agains you. So the reason for net metering or bi-directtion meter is so we can export options and yun ang bibigyan namin ng credits Hindi madadagdag against your bill yung solar," sabi ni Meralco Electric vehicle, renewable energy and peak/off peak manager Tonichi Agoncillo.
Samantala, ang isang solar farm sa Tarlac City ginawa ring taniman ng gulay.
Nasa 45 magsasaka ang nakikinabang dito.
Nayong tag-init, inaasahang 4,000 to 5,000 kilos ng pechay ang kanilang aanihin.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.