Magkahiwalay na sunog sa Parañaque at Makati, sumiklab | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magkahiwalay na sunog sa Parañaque at Makati, sumiklab

ABS-CBN News
Published Mar 26, 2022 10:28 AM PHT

Nasunog ang isang bahagi ng itinatayong condominium sa Parañaque City, Biyernes ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), alas-5:50 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa ika-17 palapag ng condo sa Marina Subdivision, Pacific Avenue, Brgy. Don Galo sa nasabing lungsod.

Agad ding nakalabas ang ilang construction workers sa gusali.

Umabot ang sunog sa second alarm kaya maraming bombero ang rumesponde mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, dahilan upang mabilis ding naapula ang apoy.

Idineklara ng BFP ang fire out ng 7:43 p.m.

Hindi muna pinahintulutan ng BFP na bumalik sa loob ng gusali ang mga construction worker dahil hindi pa raw ito ligtas.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

Samantala, isang itinatayong gusali rin ang nasunog sa Chino Roces Avenue sa Makati City bandang alas-6 ng gabi. Umabot ito sa 2nd alarm.

Inaalam pa ng BFP ang pinagmulan ng sunog.

Idineklarang fireout alas 7:10 ng gabi.
Idineklarang fireout alas 7:10 ng gabi.
— Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT