Daily COVID-19 cases maaaring tumaas pa, ayon sa ilang eksperto | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Daily COVID-19 cases maaaring tumaas pa, ayon sa ilang eksperto

ABS-CBN News
Published Mar 26, 2021 10:59 PM PHT

MAYNILA - Posibleng umakyat pa ang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) na maitatala kada araw.

Paliwanag ng OCTA Research Group, dalawa hanggang tatlong linggo bago tuluyang maramdaman ang epekto ng pagpapatupad ng "NCR Plus Bubble."

"We want to give this GCQ Bubble a chance. Gusto nating makita ang effects niya. Hindi naman kailangang mag-recommend automatically ng extension. Puwede naman nating tingnan if mataas pa rin ang cases or tumataas pa rin, siguro we can recalibrate our strategies," ani OCTA Research Group fellow Guido David.

Ipinatupad ang mas estriktong quarantine sa mga siyudad na sakop ng NCR Plus Bubble para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.

Nitong Biyernes, nakapagtala ang Pilipinas ng 9,838 na dagdag-kaso ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH), na panibagong pinakamataas na bilang sa kada araw simula noong tumama ang pandemya.

Dahil dito, umabot na sa 702,856 ang bilang ng mga kabuuang kaso na naitala sa bansa. Ito rin ang ika-4 na beses sa loob ng 7 araw na nakapagtala ang bansa ng bagong record increase.

Ayon sa datos ng DOH, nasa 109,018 ang bilang ng mga aktibong kaso. May 54 namang namatay para sa 1,3149 total deaths, habang higit 600 ang nakarekober para sa 580,689 na gumaling sa sakit.

Una nang nabanggit ng OCTA Research Group na maaaring umabot ng 10,000 ang bilang ng mga naitatalang kaso kada araw bago matapos ang Marso.

Base naman sa datos ng DOH na binantayan ng ABS-CBN Data Analytics, nasa 51,028 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong buwan ng Nobyembre. Bumaba ito noong Disyembre sa 42,518.

Nitong Enero, nakapagtala ng 51,617 na bagong kaso para sa buong Marso. Nasa 50,789 lang ito noong Pebrero.

Unang tumuntong sa 100,000 ang bilang ng COVID-19 cases ng bansa noong Agosto 2, 2020. Matapos ang 24 araw, o noong Agosto 26, naabot naman ang 200,000 cases.

Pero bumabagal ito sa mga susunod na buwan. Noong Setyembre 26 o 31 araw matapos ang Agosto 2, umabot sa 300,000 ang bilang ng mga naitalang kaso.

Pagdating ng Nobyembre 11, o 46 araw matapos ang Setyembre 26, tumuntong sa 400,000 ang bilang ng nagkaka-COVID-19.

Inabot naman hanggang Enero 17, o 67 araw mula Nobyembre 11, bago tumuntong sa 500,000 ang bilang ng kaso ng COVID-19.

Pero naiba ang kuwento pagpasok ng Marso. Marso 9 o 51 araw mula Enero 17 nang sumipa sa 600,000 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 at tumagal lang ng 17 araw bago narating ang 700,000 COVID-19 cases.

Paliwanag ng DOH, halo-halo ang naging sanhi ng pagtaas ng mga kaso nitong mga nagdaang buwan.

"Like what we have here in the NCR halo-halong mga factors ang nakikita natin. Primary reason why there is surge is non-compliance to protocols and mobility of the population," ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Pero para kay ABS-CBN Data Analytics Head Edson Guido, ang timing ng pagkawalang-bahala at patuloy na paglabas ng mga tao ay hindi maganda.

"During the latter part of February, the government was basically sending a message to reopen the economy. There were talks of shifting the entire country under MGCQ in March. So it’s like telling everyone that it’s safe to go out and people did start to relax. We're no longer complying with health protocols. In my opinion it happened at the worst possible time because that's when the more transmissible variants were detected in the country," ani Guido.

Nasa 41 porsiyento o nananatiling "low risk" ang health care utilization rate ng bansa, pero mayroon nang mga lugar na mataas ang antas, lalo na sa Metro Manila.

"Umaabot na siya ng high moderate risk lalo na Makati, Quezon City, Taguig at Manila. Ito 'yung matataas talaga ang admissions for COVID wards and beds lalo na sa intensive care unit na tumataas na sa high critical risk ang mga areas na ito," ani treatment czar Leopoldo Vega.

Batid din ni Vega na may ilang tumatawag sa One Hospital Command na hirap makakonekta dahil sa kakulangan sa teknolohiya at staff.

Aabot sa 300 tawag kada araw ang kailangan nilang tugunan sa ngayon, mula sa higit 60 tawag na natatanggap kada araw, bago sumipa ang mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Guido, dapat paigtingin ang contact tracing.

"The weakest link of our response remains to be contact tracing. We are still seeing pen and paper mode. If things don’t improve we’ll always be a step behind the spread of the virus and we’ll be left to counting cases everyday," ani Guido.

Siniguro rin ni Vega na paparating na ang bagong stocks ng mga gamot na ginagamit para sa COVID-19 gaya ng Remdesivir at Tocilizumab na halos paubos na ang suplay.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
COVID-19 cases
daily COVID-19 cases
OCTA Research
Vergeire
Leopoldo Vega
Department of Health
DOH
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT