Pulis-Maynila na 'minumura, pinapalo' ang mga lumalabas ng bahay iimbestigahan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis-Maynila na 'minumura, pinapalo' ang mga lumalabas ng bahay iimbestigahan

Pulis-Maynila na 'minumura, pinapalo' ang mga lumalabas ng bahay iimbestigahan

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 26, 2020 06:38 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Pinaiimbestigahan na ngayon ng Manila Police District ang isa sa kanilang mga kawaning nakuhanan umano ng video na namamalo ng mga residenteng lalabas ng kanilang bahay sa gitna ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Nakarating na kay MPD director Brig. Gen. Rolando Miranda ang insidente at sinabi niyang sisilipin na nila ito.

"Paiimbestigahan ko ito. Hindi dapat natin daanin sa init ng ulo ang pagpapatupad ng batas," aniya.

Sa video na kuha ng isang residenteng ayaw magpapangalan, makikita ang pulis sa Muslim Town sa Quiapo na namamalo ng residenteng lalabas ng kanilang bahay.

ADVERTISEMENT

Maririnig pa umano ang pulis na nagmumura at sinabing babarilin ang sino mang lalabas sa kalsada.

Makikita rin sa video ang lalaking lalabas sa gate ng mosque na nagpakita ng kanilang quarantine pass.

Pero hindi sila napagbigyan at sa halip ay pinalo umano ito ng pulisya.

Iginiit ng kumuha ng video na nakasulat sa quarantine pass na isang tao lamang bawat pamilya ang puwedeng lumabas basta't bibili ng pagkain.

Kinilala ang pulisya na si Lt. Col. Rey Magdaluyo, hepe ng Sta. Cruz Manila police station.

Depensa ni Magdaluyo na sumosobra na raw ang iba at paulit-ulit na silang sinasaway.

Umamin ang chairman ng Metro Manila Muslim Community For Justice and Peace sa buong Luzon na siya mismo ang nanghingi ng tulong sa mga pulis para sitahin ang mga pasaway na residente.

“Nagpatulong talaga ako kay Gen. Guillermo Eleazar. Ang dami kasing pasaway talaga labas ng labas kahit na anong sabihin namin,” ani Datu Bong Alonto, hepe ng grupo.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, bawal ang lumabas ng bahay maliban kung bibili ng pagkain o gamot.

May ilang barangay na nagpapatupad ng community pass para matiyak na iisa lang kada kabahayan ang makakalabas, alinsunod sa mga patakaran ng gobyerno.

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.