Konsehal sa Ilocos Norte, muling nakaligtas sa pananambang | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Konsehal sa Ilocos Norte, muling nakaligtas sa pananambang

Ria Galiste,
ABS-CBN News
Published Mar 26, 2019 07:44 PM PHT

SOLSONA, Ilocos Norte - Nakaligtas muli sa pananambang ang isang konsehal sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte Lunes.

Nagkalat ang mga bala sa kalsada sa Barangay Manalpac sa bayan ng Solsona kung saan tinambangan ng mga nakamotorsiklong lalaki si Solsona Councilor Jovencio Pascua at ang kaniyang drayber na si Sidney Viloria.

Binilisan umano ni Viloria ang pag-atras ng sasakyan habang pinapaulanan sila ng bala.

Nakuha sa crime scene ang 11 kapsula at mahigit 40 bala ng caliber 5.56-millimeter na baril.
Nakuha sa crime scene ang 11 kapsula at mahigit 40 bala ng caliber 5.56-millimeter na baril.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Police Capt. Chris Anthony Sorsano, hepe ng Solsona Police, maaaring gun-for-hire ang mga salarin.

"Possible na gun-for-hire, hindi natin tinatanggal na posibilidad na 'yun," aniya.

Nitong Martes ng umaga, kasama na sa imbestigasyon ang provincial director ng Philippine National Police (PNP) sa Ilocos Norte.

Ito na kasi ang ikalawang pagkakataon na pinagtangkaan ang buhay ni Pascua.

Una na itong nakaligtas sa pananambang noong Nobyembre 2018.

Naniniwala si Pascua na may kinalaman sa politika ang nangyari. Muli siyang kakandidato sa pagkakonsehal ng bayan sa darating na halalan.

Kinokondena naman ng mga kaalyado ni Pascua ang nangyari. Si Solsona Mayor Alex Calucag, dati na ring pinagtangkaan ang buhay noong 2015.

Nakaligtas rin sa pananambang si Konsehal Mar Quitoras noong 2013.

Isa ang bayan ng Solsona sa 9 na lugar sa Ilocos Norte na tinukoy ng pulisya bilang areas of concern sa darating na halalan.