Pangangampanya para sa local positions umarangkada na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pangangampanya para sa local positions umarangkada na

ABS-CBN News
Published Mar 25, 2022 05:00 PM PHT
|
Updated Mar 25, 2022 08:54 PM PHT

MAYNILA (UPDATED) - Umarangkada na ngayong Biyernes ang campaign period para sa mga tatakbo sa mga posisyon sa mga lokal na pamahalaan.

Sa Metro Manila, umaabot sa 4,000 pulis ang ipinakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pag-arangakda ng kampanya sa local positions.

Maagang nagsimula ang pangagampanya ng mga kandidato sa Metro Manila.

Si reelectionist Quezon City Mayor Joy Belmonte, sinimulan ang pangangampanya sa pamamagitan ng isang misa kasama ang kaniyang runningmate na si incumbent vice mayor Gian Sotto.

ADVERTISEMENT
Kasama ni Belmonte ang aktor na si Arjo Atayde na tumatakbong kongresista sa District 1, ang anak ni Raffy Tulfo na si Ralph Tulfo na tumatakbong representative ng District 2, at reelectionist at incumbent District 4 congressman Bong Suntay.

Alas-6 ng gabi naman magsisimulang mangampanya ang kalaban niyang si Mike Defensor, kasama ang runningmate na si incumbent city councilor Winnie Castelo.

Kasama din sina Pharmally executive Rose Lin na tatakbong congresswoman, at si congressional aspirant Bingbong Crisologo.

Sa Pasig Mega Market namang nagsimulang mangampanya si Pasig mayor Vico Sotto, kasama ang kaniyang "Giting ng Pasig" slate. Maigsi lang ang programa dahil nais noon mag-house to house ng slate.

Sumama sa kampanya ni Sotto ang kaniyang amang aktor na si Vic Sotto. Naroon din ang kaniyang inang aktres na si Coney Reyes.

Nagbahay-bahay naman ang katunggali ni Sotto na si Vice Mayor Iyo Bernardo at inaasahang magkakaroon siya ng kampanya bandang alas-5 ng hapon sa Barangay San Joaquin.

Umarangkada rin ang pangangampanya sa pagkaalkalde sa Marikina, kung saan magtutunggali ang dating magkasanggang si incumbent mayor Marcelino Teodoro at first district Rep. Bayani Fernando.

Nagkaalitan ang dalawa matapos sampahan ng local government sa ilalim ni Teodoro ang reclamation project sa Marikina River, na itinuturo ng alkalde ng dahilan ng matinding baha dahil sa bagyong Ulysses noong 2020 - na tinanggihan ni Fernando.

Nagbahay-bahay si Fernando at nakipagsalo sa boodle fight sa mga supporter sa Kalupi Street. Namigay si Fernando ng mga leaflet.

Nagkaroon naman ng maigsing motorcade si Paranaque mayor reelectionist Mayor Eric L. Olivarez kasama ang kaniyang kapartido sa pag-arangkada ng pangangampanya sa lungsod.

Makakatunggali ni Olivarez sa pagka-alkalde si Jun Zaide na Barangay captain ng Baclaran at tumatakbo sa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan party, Jherie Mores ng Pederalismo Ng Dugong Dakilang Samahan, at Drew Uy na independent candidate.

Nagkaroon naman ng send-off ang mga Gatchalian sa Valenzuela para sa local candidates. Tumatakbo bilang kontresista si incumbent mayor Rex Gatchalian habang tumtakbong alkalde ang kaniyang kapatid na si Rep. Wes Gatchalian.

Sa Malabon, nagsagawa ng victory walk sa urban communities ang mayoral candidate na si Enzo Oreta, anak ni dating Sen. Tessie Aquino-Oreta at kapatid ni incumbent mayor Lenlen Oreta.

Peace and order naman ang plataporma ni Rep. Egay Erice, na katunggali ang kapwa congressman na si Dale Malapitan, anak ni incumbent mayor Oca Malapitan.

Kani-kaniya ring proclamation rally ang ilang tumatakbo gaya ng mga reelectionist na sina Makati Mayor Abby Binay, at San Juan Mayor Francis Zamora.

REHIYON
Naging makulay din ang pangangampanya ng mga local candidate sa mga probinsiya.

Naging maingay at makulay din ang pagsisimula ng pangangampanya sa Cavite kung saan karamihan ng mga tumatakbo ay magkakamag-anak.

Kasama sa mga nangampanya si Cavite Governor Jonvic Remulla, na nag-simba muna bago mag-motorcade kasama ang mga kapartido.

Sa inaasahang higpit ng laban sa ilang lugar sa Batangas, inilagay ang ilang lugar bilang "election areas of concern" ng pulisya sa probinsiya.

Kabi-kabila na ang police checkpoints dito.
Kabi-kabila na ang police checkpoints dito.
ADVERTISEMENT
Tila naging pista naman ang unang araw ng pangangampanya sa Cebu City, kung saan tumatakbong reelectionist ang alkaldeng si Michael Rama.

Makakatunggali ni Rama si Margot Osmena, na asawa ni dating Cebu City Mayor Tomas Osmena.

Nagpatuloy naman sa pangangampanya sa Naval, Biliran si Mayor Gerard Roger Espina kahit walang katunggali.

Nag-motorcade din ang reelectionist na si Cynthia Guiani Sayadi sa Cotabato City, at ang kaniyang katunggali na si Bruce Matabalao.

Inumpisahan naman ni Pampanga governor Dennis Pineda sa kaniyang balwarte sa Lubao ang pangangampanya niya.
Inumpisahan naman ni Pampanga governor Dennis Pineda sa kaniyang balwarte sa Lubao ang pangangampanya niya.
ADVERTISEMENT
Sa Candaba naman nag-motorcade ang katunggali niyang si Engr. Danilo Baylon.

Umapela naman ang Commission on Elections at Department of the Interior and Local Government sa mga kandidatong mangangampanya at sa kanilang mga tagasuporta na sundin pa rin ang health protocols kontra COVID-19.

"Palagi po tayong mag-disinfect, social distancing, physical distancing at syempre po lagi po tayong naka-face mask yan po ang nag-save kaya mababa po ang ating insidente at syempre ganun pa rin po no hugging, kissing, arm to arm at wala pa rin pong selfie sa ating mga kandidato," ani Comelec Commissioner George Garcia.

"So ang pakiusap namin sa mga nagkakampanya, supporters man o kandidato mismo na lagyan ang disiplina ang kanilang pangangampanya na hopefully wala silang dalang COVID19 at hindi sila makapanghawa sa kanilang kinakampanyahan," ani DILG Undersecretary Epimaco Densing.

-- May mga ulat nina Vivienne Gulla, Zyann Ambrosio, Annie Perez, at Jeck Batallones, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT