Sunog sumiklab sa residential area sa Taguig | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa residential area sa Taguig

Sunog sumiklab sa residential area sa Taguig

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 25, 2018 08:27 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - (UPDATED) Nasunog ang isang residential area sa Technological University of the Philippines compound sa Barangay Western Bicutan, siyudad ng Taguig.

Tanaw ang sunog mula sa Skyway. Sa larawan mula kay Jay de Roxas at video na kuha ni Mark Bien, makikita ang makapal na usok mula sa nasusunog na mga bahay.

Photo courtesy of Jay de Roxas

Watch more in iWantv or TFC.tv

Itinaas sa ikalimang alarma ang sunog na nagsimula alas-3:23 ng hapon. Ibig sabihin aabot na sa 12 firetruck ang kinakailangang rumesponde sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa Taguig, lumalabas na nagsimula sa bahay ng isang Alma Santillan ang sunog.

ADVERTISEMENT

Mabilis umano itong kumalat dahil dikit-dikit ang mga bahay na karamihan ay gawa sa light materials tulad ng kahoy, trapal, at mga pinagtagpi-tagping yero.

Isang residente naman ang nirespondehan ng Southside Rescue matapos itong makagat ng aso habang sinasalba nito ang kanyang mga gamit mula sa nasusunog na tahanan.

-- ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.