Palaspas hindi pampasuwerte, pantaboy ng espiritu: CBCP | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Palaspas hindi pampasuwerte, pantaboy ng espiritu: CBCP

ABS-CBN News
Published Mar 25, 2018 10:58 AM PHT
|
Updated Mar 25, 2018 11:33 AM PHT

Hindi dapat gamitin bilang pampasuwerto o pantaboy ng masamang espiritu ang mga palaspas na babasbasan ngayong Palm Sunday, ipinaalala ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).

Ginugunita sa pagpapabasbas ang pagpasok ni Hesus sa Jerusalem habang nagwawagayway ng palaspas ang mga tao. Minamarkahan din nito ang simula ng Semana Santa o kaniyang linggo ng pagpapakasakit, pagpako sa krus at muling pagkabuhay.

Kadalasang isinasabit ng mga deboto ang pinabasbasang palaspas sa labas ng bahay bilang simbolo ng pakikiisa sa pagdurusa ni Kristo o kaya'y bilang pantaboy ng masasamang espiritu.

"Hindi totoo iyan na kapag ang palaspas ay halimbawa binasbasan, makakataboy ng masamang espitu o ito ay pampasuwerte," sabi sa DZMM ni Fr. Jerome Secillano, secretary ng CBCP public affairs committee.

"Ang pagtataboy naman sa masamang espiritu, iyung mga tao mismo, dapat maganda ang pamumuhay nila, naniniwala sila sa Panginoon. At the same time, sila ay umiiwas din sa paggawa ng masasama," dagdag niya.

Ipinaalala rin ni Secillano na sipag at tiyaga ang pinakamabisang pampasuwerte.

Aniya, "Work is essental para ikaw ay umasenso... Sabi nga sabala na kasulatan ni Saint Paul, anyone who does not work should not eat."

DZMM, 25 Marso 2018
Read More:
DZMM
tagalog news
religion
Catholic Church
Holy Week
Semana Santa
fake news
propaganda
disinformation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT