Doktor na iniugnay sa Salilig hazing, nagbigay ng affidavit sa NBI | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Doktor na iniugnay sa Salilig hazing, nagbigay ng affidavit sa NBI

Doktor na iniugnay sa Salilig hazing, nagbigay ng affidavit sa NBI

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Kasama ang kaniyang abogado, dumating sa National Bureau of Investigation (NBI) ang "medical doctor" na sinasabing hindi umano tumugon sa noo'y wala nang malay na si John Matthew Salilig, na biktima ng hazing.

Binigyan ng subpoena ng NBI ang doktor matapos ipag-utos ni Sen. Francis Tolentino, chairman ng Committee on Justice and Human Rights, na hanapin ang "doktor" at alamin kung ito'y totoong doktor.

Iginiit ng senador sa Senate hearing noong Marso 20 na posibleng may paglabag sa kanyang oath ng mga doktor na kailangang tumugon sa kanyang tungkulin, kung saan dapat umano tiningnan niya ang pasyenteng si Salilig na sinasabing walang malay.

Dala ng doktor sa NBI ang mga dokumento kabilang ang kanyang affidavit na may attachment ng screenshots ng pag-uusap nila ng pinsang si "Lee", noong naroon pa si “Lee” sa bahay ni Scottie sa Parañaque.

ADVERTISEMENT

Sa screenshot, noong February 18 ay nagtatanong na si Lee sa pinsang doktor kung susunduin siya.

Tinanong pa ni doc at tinawagan para malaman kung nasaan si Lee pero sinabing bawal sabihin at sinabing "San Pedro ata."

Hindi pa rin sinagot ang pangalawang tawag at nag-text na si doktor sa pinsan na “brod na doctor kamo susundo sayo.”

Nagsend pa ng direksyon si Lee sa kanyang pinsan na doctor kung saan sila pupunta hanggang sa sinabi niyang “dto na, tara na sakay na ayos ka lang?"

Nagtext si Lee: “Samahan na lang kita sa labas”.

ADVERTISEMENT

Sagot ni doc: “Hirap ka pa rin huminga? Maputla ka pa?"

Dalawang beses nagtanong si doc kay Lee kung maputla pa siya.

Hanggang sa nagpadala na ng picture si Lee at nag-advise naman si doc sa pinsan na “ipatong mo paa mo sa unan medyo mataas “sabay nagpadala ng picture ng first aid na dapat gawin.

Tinanong din ni doc si Lee ng “hingal ka pa rin ba?”

“Oo kuys”.

ADVERTISEMENT

“Ayan basta madami ka maihi, pakuha ka ng BP".

Nagpadala pa ng BP sa Lee.

Sa huli may mga advice din si doc sa pinsan.

“Alternate mo warm and cold compress every 15 mins”.

Samantala, sa panayam ng news team sa doktor, iginiit nyang wala siyang kinalaman sa nangyaring hazing at wala rin siyang alam na pasyente na walang malay.

ADVERTISEMENT

"Gusto ko i-clear ang participation which is wala naman akong participation.
May nakausap ako sa messenger na which is hindi ko alam kung sino then when I arrived sa place sa Paranaque, wala akong nakitang kakaiba, wala akong nakitang katawan na nakahandusay. Kung may nakita tayo, we will give them the right medical assistance. Nandon daw ako sa place ng initiation pero wala naman," aniya.

Nagbigay din siya ng mensahe kay Tolentino matapos sabihing dapat matanggalan ng lisensya ang doktor na hindi tumulong kay John Matthew.

“Doon kay Matthew wala po akong nakitang katawan na nanghihina. Wala pong katotohanan may nakita akong nakahiga at naghihingalo base sa alegasyon na nasa harap ko ang katawan. Sir Francis sana dumating sa inyo ang mensahe na ito, nakikiramay ako sa pamilya ni John Matthew," sabi niya.

"Kung may pasyenteng kailangan ng tulong alam natin kritikal, tutulong tayo."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.