PatrolPH

Lalaki patay matapos mabaril ng kuya sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2021 02:22 PM

Patay ang isang 35 anyos na lalaki matapos umanong mabaril ng kaniyang kuya sa bayan ng Balasan, Iloilo, sabi ngayong Miyerkoles ng pulisya.

Ayon sa imbestigasyon, biglang tinutukan ng baril ng biktima noong gabi ng Linggo ang kaniyang kuya at ama habang nag-uusap ang mga ito. 

Inagaw umano ng kuya ang baril mula sa biktima pero bigla itong pumutok at tinamaan ang nakababatang kapatid.

Hindi pa umano matukoy ng mga awtoridad kung bakit tinutukan ng baril ng biktima ang kaniyang kuya.

Dinala sa ospital ang biktima pero idineklara ring dead on arrival.

Patuloy namang hinahanap ng mga pulis ang kuya, na tumakas matapos mangyari ang insidente.

– Ulat ni Rolen Escaniel

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.