Luzon quarantine: 104 kuwarto para sa frontliners alok ng isang student dorm sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Luzon quarantine: 104 kuwarto para sa frontliners alok ng isang student dorm sa QC

ABS-CBN News
Published Mar 24, 2020 02:20 PM PHT

MAYNILA - Sa gitna ng enhanced community quarantine sa Luzon, nag-alok ng higit 100 kuwarto ang may-ari ng isang dormitoryo sa Quezon City para sa mga frontline health workers na malalayo ang tirahan sa mga ospital.

Sa panayam sa DZMM, sinabi ni Beda Manalac na 18 square meters ang kada kuwarto na may dalawang bunk beds.

May mga CR ang kada kuwarto at mga mesa, ayon kay Manalac.

Maaliwalas aniya ang kuwarto at tiyak umanong makakapagpahinga ang mga doktor, nurse, at iba pang hospital staff na nakatoka sa mga ospital ngayong nilalabanan ng bansa ang banta sa COVID-19.

“Nakita din namin yung mga balita na nahihirapan na yung medical personnel, ‘yong mga frontliners so anyway since walang estudyante sabi namin perfect yong solution nito,” ani Manalac.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, suspendido ang mass transport, maging ang mga klase sa lahat ng antas sa sa buong Luzon para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Aabot na ngayon sa 501 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas; 33 dito ang namatay habang 18 ang nakarekober sa sakit.

Maaari na gamitin ang mga nasabing kuwarto kapag maiplantsa na ang mga patakaran na galing sa lokal na pamahalaan ng Quezon CIty, ayon kay Manalac.

Kailangan kasi aniyang maging mas mahigpit ang disinfection guidelines lalo na’t manggagaling sa iba’t ibang ospital ang mga gagamit ng mga kuwarto.

“Hinihintay na lang po namin to give food to provide food while they are there [and] ‘yong final guidelines galing sa city hall and sa mga hospital,” ani Manalac.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
coronavirus
COVID-19
coronavirus Philippines update
COVID
coronavirus disease Philippines
COVID-19 Philippines update
coronavirus public service
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT