Tambakan ng basura sa Cavite, nasunog | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tambakan ng basura sa Cavite, nasunog

Tambakan ng basura sa Cavite, nasunog

Mariz Laksamana,

ABS-CBN News

Clipboard

Silang, Cavite — Nasunog ang samu’t saring nakatambak na basura gaya ng plastik, papel, at goma sa isang nakabukod na lote sa Barangay Hukay nitong Biyernes ng umaga.

Bandang 9 a.m. nagsimula ang sunog pero tanghali na nang ito ay mai-report sa mga bumbero.

At dahil halos tuyo ang mga damo sa lote, mabilis kumalat ang apoy.

“Malawak po iyong apoy mula dito pabilog po, pa-circle tapos nasusunog po dito iyong mga basura, plastik po, mga goma,” ani Maridae Cortez ng Bureau of Fire Protection.

ADVERTISEMENT

Ayon sa namamahala sa tambakan na si Orlando Sison, binibili niya mula sa isang kumpanya ang mga nakaipong basura at iniipon sa pagmamay-ari nilang lote.

“Iyong waste material ng Coca-Cola at ng kahit ano binibili ko. Ngayon inii-stock ko rito bale hindi pa ako nakakapag-deliver simula noong 2015 kahit isang beses dahil nga dito ako nag-iipon,” aniya.

Paliwanag ni Sison, sinisimulan pa lang daw niya itong ipundar at plano sanang gawing junkshop.

“Medyo masakit dahil matagal ko ring pinaghirapan, 25 years and five months tapos nauwi lang sa abo,” aniya.

Ayon sa paunang imbestigasyon, maliit na apoy umano ang pinagmulan ng sunog.

Aabot umano sa P1 milyon ang danyos na naidulot ng sunog. Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa naganap na sunog.

Tinataya ng BFP na aabutin ng magdamag bago tuluyang maapula ang sunog. Binabalak rin nila na lagyan ng harang ang paligid ng nasusunog na tambakan para hindi madamay ang mga katabing lote.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.