7,500 doses ng AstraZeneca vaccine sa Bicol, ibinalik sa DOH Central Office | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

7,500 doses ng AstraZeneca vaccine sa Bicol, ibinalik sa DOH Central Office

7,500 doses ng AstraZeneca vaccine sa Bicol, ibinalik sa DOH Central Office

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 23, 2021 11:07 PM PHT

Clipboard

Ang 7,500 na doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ay bahagi ng 22,000 na supply para sa Bicol. Ibinalik ito sa DOH Central Office dahil lumagpas ang temperature requirement nito para sa naturang bakuna. Larawan mula kay Karren Canon

Ibinalik nitong Lunes sa central office ng Department of Health (DOH) mula Bicol Region ang 7,500 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca dahil sa isyu ng temperatura.

Marso 10 nang dumating sa Bicol ang 22,000 doses ng AstraZeneca vaccine. Lahat ito ay naipamahagi na sa mga ospital sa rehiyon maliban sa natitira pang 7,500 doses.

Ibinalik ang mga ito dahil hindi umano angkop ang temperatura nito sa temperature requirement ng AstraZeneca na +2 hanggang +8 degrees Celsius.

"May protocol kasi na kapag way beyond the temperature required, hindi siya pwede gamitin. Nasa 100-200 degrees Celsius ang lumabas. 'Pag hindi kasi maintained ang kanyang temperature requirement ay maaring mawalan ng potency ang bakuna. So sayang naman kung hindi na effective. Masasayang yung efforts for vaccination," ayon kay Dr. Rita Ang-Bon, COVID-19 Vaccine Program Coordinator ng DOH-Bicol.

ADVERTISEMENT

Sa imbestigasyon, lumalabas na sira ang thermometer na inilagay ng kanilang third party logistics provider.

"Gumamit ng ibang thermometer. After the investigation and lumabas na +2 - +8 naman. Kaya lang, wala tayong information kung na-maintain yung temperature niya nung naibiyahe," ani Bon.

"So lesson din po ito sa ating third party logistics provider na nag-deliver ng vaccines, to make sure na lahat temperature monitoring devices are in good condition para wala tayong nasasayang na bakuna," sabi ni Bon.

Sa ngayon, nasa 10,998 na ang bilang ng health workers na nabakunahan sa Bicol.

May apela ang DOH sa mga lokal na pamahalaan na sundin ang nasa priority list ng mga dapat bakunahan.

May mga nakarating kasi sa kanilang impormasyon na kahit hindi health worker ay nabakunahan.

"Sa lahat ng LGU, since manipis pa ang suplay ng bakuna, priority muna yung health workers kasi kung hindi kayo kasama sa list at nabakunahan kayo, maaagawan ng bakuna yung health workers na dapat makatanggap muna nito," sabi ni Bon.

Mayroong 70,000 health workers sa rehiyon ang target na mabakunahan bago ang ibang nasa priority list.

- Ulat ni Karren Canon

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.