1 patay, 2 sugatan, 2 pinaghahanap sa pagguho ng lupa sa Davao City | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 patay, 2 sugatan, 2 pinaghahanap sa pagguho ng lupa sa Davao City

1 patay, 2 sugatan, 2 pinaghahanap sa pagguho ng lupa sa Davao City

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 23, 2021 08:40 PM PHT

Clipboard

Isang landslide ang nangyari nitong Marso 23, 2021 sa Davao City, kung saan isang babae ang nasagip at 3 ang sinasabing natabunan. Photo courtesy of Central 911 ng Davao City.


(UPDATE) Patay ang isang biker, dalawa ang sugatan, habang pinagahahanap ang dalawang iba pa sa nangyaring pagguho ng lupa sa Davao City, umaga ng Martes.

Nangyari ang landslide sa isinasagawang bypass road sa Sitio Sto. Niño, Barangay Mandug, ayon sa mga awtoridad.

Bandang alas-6 ng umaga nang makatanggap ng impormasyon ang Central 911 ng Davao City hanggil sa landslide. May mga nagja-jogging at bikers umano sa lugar nang mangyari ang insidente.

Ginagamot na sa Southern Philippines Medical Center ang mga nasugatan.

ADVERTISEMENT

Patuloy ang search and retrieval operations sa dalawang sakay ng motorsiklo na natabunan umano ng lupa.

Ayon kay Davao City Disaster Risk Reduction and Management Operations and Warning Officer Rodrigo Bustillo, maingat ang clearing operations upang hindi maulit ang pagguho.

-- Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.