VIRAL: Lalaki, nabidyuhang sinasabunutan, kinakaladkad ang 15 anyos na buntis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Lalaki, nabidyuhang sinasabunutan, kinakaladkad ang 15 anyos na buntis

VIRAL: Lalaki, nabidyuhang sinasabunutan, kinakaladkad ang 15 anyos na buntis

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 17, 2018 01:47 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Viral sa social media ang video ng pananampal, pananabunot, at pagkaladkad ng isang lalaki sa isang menor de edad na buntis sa Nueva Vizcaya.

Sa video ay makikitang sinusugod habang dinuduro ng lalaking naka-asul na t-shirt ang isang babae.

Sa una ay tinapik pa ng babae ang kamay ng lalaki pero bigla siya nitong sinampal, hinablot ang buhok, at kinaladkad.

Hindi binitiwan ng lalaki ang buhok ng babae at isinubsob pa niya ang mukha nito sa semento.

Mayroon nang 1 milyong views ang video simula nang i-upload ito sa Facebook.

Kinilala ang lalaki na si Thristan Sarmiento, 20 anyos.

Si alyas "Anna" naman, ang sinaktan na babae, ay 15 anyos lamang at apat na buwang buntis pa.

Kuwento ni Anna, ginamit niya ang folder ni Sarmiento na may lamang mga project sa pag-aakalang hindi na ito papasok sa eskuwela. Doon na siya biglang siningil ni Sarmiento.

ADVERTISEMENT

Bilang kabayaran, hiniram na lamang daw ni Sarmiento ang relo ni Anna at nangakong ibabalik matapos ang isang araw pero ilang araw na ay hindi pa rin aniya ito nakukuha.

Nagtamo ng galos sa ulo si Anna sa panggugulpi ni Sarmiento.

Humingi na raw ng paumanhin sa kaniya si Sarmiento pero desidido pa rin siyang sampahan ito ng kaso.

Kinumpirma naman ng Bagabag police ang insidente at pinaghahanap na nila ngayon si Sarmiento.

--Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.