1 toneladang alimango, inihain sa Alimango Festival sa Lanao del Norte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1 toneladang alimango, inihain sa Alimango Festival sa Lanao del Norte

Roxanne R. Arevalo,
ABS-CBN News
Published Mar 23, 2018 05:40 PM PHT

LALA, Lanao del Norte - Pinagsaluhan ng mga residente at mga turista dito sa bayan ang daan-daang alimango Huwebes bilang bahagi ng taunang selebrasyon ng Alimango Festival.

Bagama't hindi bababa sa isang tonelada ang inihaing alimango, giit ng mga residente na hindi pa bumabalik sa dating dami ang mga alimangong nakukuha matapos masalanta ng bagyong Vinta ang probinsiya noong nakaraang taon.

Umaasa ang mga residente na mabilis na makababangon ang bayan kung tuloy-tuloy lamang nilang ipagdiriwang at ipo-promote ang kanilang lugar sa mga turista.

Bukod sa pagkain ng alimango, naglusad din ng isang makulay na parada kung saan nakilahok ang ilang residente sa pamamagitan ng pagsasayaw at pagsusuot ng mga kasuotang may kinalaman sa pagdiriwang ng Alimango Festival.