Bituka ng baboy para sa chorizo, nilalangaw | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bituka ng baboy para sa chorizo, nilalangaw

Bituka ng baboy para sa chorizo, nilalangaw

Aiza Layague,

ABS-CBN News

Clipboard

Pinapatuyo ang mga bituka ng baboy para magamit sa paggawa ng chorizo.

CEBU - Ipanapasuri kung may business at sanitary permit ang isang patuyuan ng bituka ng baboy sa Barangay Mantuyong sa Mandaue City.

Ito ay matapos makatanggap ng reklamo ang Mandaue City Health Department ukol dito.

Ang bituka ng baboy ay ginagamit sa paggawa ng chorizo, pero sa larawan na kumalat sa social media, kitang marumi ang lugar at nilalangaw pa ang mga pinapatuyong bituka.

Ayun kay Dr. Dominga Obenze ng Mandaue City Health Department, may ipanadala silang inspection team sa lugar na siyang susuri sa pagawaan.

ADVERTISEMENT

Nababahala sila, lalo't delikado sa kalusugan ang pagkaing nadapuan ng langaw.

Nang bisitahin ng ABS-CBN News ang nasabing lugar, nakitang marumi ang mga containers at lamesa, maputik ang paligid, sa sahig lang hinuhugasan ang mga mga bituka ng baboy, at balot pa sa langaw ang mga pinatuyong mga bituka.

Ayon sa mga trabahador, isang Sinay Tampus diumano ang nagbayad sa kanila upang linisin at patuyuin ang mga bituka nga baboy na ginagamit sa paggawa ng chorizo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.