Lalaking nakuhanan ng mga bala at baril, arestado sa Palawan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nakuhanan ng mga bala at baril, arestado sa Palawan

Lynette dela Cruz,
ABS-CBN News
Published Mar 22, 2019 05:26 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
RIZAL, Palawan – Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng mga baril at bala nang maghain ng search warrant ang awtoridad sa kaniyang bahay sa Barangay Punta Baja dito sa bayan, Huwebes.

Nakuha mula sa bahay ni Lemuel Montano Demonteverde ang isang 12-gauge shotgun, 9mm na baril, at mga bala para sa shotgun, 9mm at kalibre .40.

Ayon sa pulisya, nakatago ang mga ito sa isang hukay sa lupa na tinakpan ng lumang yero sa likurang bahagi ng babuyan ni Demonteverde.

Dagdag pa ng pulisya, paso na ang lisensiya ng baril nito noon pang 2016. Pinagsabihan din ito sa Oplan Katok pero sinabi raw nito na ibinenta na niya ang baril pero wala siyang maipakitang dokumento ng kaniyang pagbenta.

Paalala ng pulisya na kailangan ng lisensiya ng lahat ng gustong humawak ng baril at may listahan din sila ng lahat ng may lisensya kaya't kinakatok nila ang mga hindi nakakapag-renew.

Maaari umanong pansamantalang ibigay sa kustodiya ng pulisya ang baril na may pasong lisensiya para sa safekeeping nito.

“Sapagkat ipinagbabawal ng batas na habang inaayos po nila (ang mga dokumento) ay nasa kanila po (ang baril),” ayon kay Police Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Provincial Police Office.

Nahaharap ngayon si Demonteverde sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.