Fact Check: Hindi totoong may inaming balak na pandaraya ang Comelec | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Fact Check: Hindi totoong may inaming balak na pandaraya ang Comelec

Bayan Mo,
Ipatrol Mo
Published Mar 21, 2022 06:29 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 10:01 PM PHT

Hindi totoo ang isang YouTube post kung saan sinabi nitong inamin ng Comelec ang balak na pandaraya kay Ferdinand Marcos Jr. sa paparating na eleksyon.

Sinabi sa Marso 15 post ng YouTube channel Showbiz Chika-Doro na ang pagka-diskubre ng 5.2 milyon na depektibong balota ay may kaugnayan sa planong dayaan na ipatutupad umano ng isang sindikato sa Comelec na hindi pinangalanan.

Subalit sa video, walang mapapanood na pahayag mula sa Comelec na nagkukumpirma sa naturang balak na pandaraya.

Ang mahabang bahagi ng video ay pagpapaliwanag ni Atty. Glenn Chong kung paano nagiging depektibo ang isang balota.
Ang mahabang bahagi ng video ay pagpapaliwanag ni Atty. Glenn Chong kung paano nagiging depektibo ang isang balota.
ADVERTISEMENT
Sinabi niya na maaaring ipadala ang mga sirang balota sa mga balwarte ni Marcos upang mawalan ng karapatang bomoto ang mga tagasuporta nito.

Subalit ayon sa Comelec, matapos masala ang mga depektibong balota, sisirain ang mga ito upang hindi maipuslit.

Sa briefing na ginawa ni Commissioner Marlon Asquejo na siyang steering committee head ng Comelec para sa eleksyon sa Mayo 9, halos 74% na ng balota ang nagawa na at 55% ang tapos nang suriin. Lumalabas na may 7.84% ay depektibo o 5.2 milyon.

Ang pagsira sa mga depektibong balota ang siya ring ginawa sa mga nagdaang eleksyon.

Binanggit din sa Showbiz Chika-Doro video na dinaya si Marcos noong eleksyon ng 2016. Subalit pinabulaanan na ito ng Korte Suprema nang ibasura ang protest ni Marcos.

"Protestant still failed to substantiate his allegations of massive anomalies and irregularities· in protestee's favor. Instead, he chose to make sweeping allegations of wrongdoing and submitted incomplete and incorrect data," ayon sa korte.