Mga pulis sa GenSan nabiktima ng paluwagan scam | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pulis sa GenSan nabiktima ng paluwagan scam

Mga pulis sa GenSan nabiktima ng paluwagan scam

Jay Dayupay,

ABS-CBN News

Clipboard

GENERAL SANTOS CITY - Humingi ng tulong kay Philippine National Police Chief Police General Oscar Albayalde ang ilang concerned citizens matapos umano silang mabiktima ng isang investment scam.

Sa reklamong ipinadala ng isang concerned citizen kay Albayalde, nabiktima umano siya ng Police Paluwagan Movement. Ilang mga opisyal pa umano ng Police Regional Office 12 ang nasa likod ng investment scam.

Kabilang rin ang mga pulis sa nabiktima ng scam.

Dagdag pa ng concerned citizen, sa loob mismo ng Camp Fermin Lira sa General Santos City Police Office (GSCPO) pinapatakbo ang Police Paluwagan Movement.

ADVERTISEMENT

Mariin namang itinanggi ni Police Colonel Raul Supiter, city director ng GSCPO, ang paratang na ito.

"Wala akong ano diyan, wala akong ano. May mga nagtatanong sa akin so I ano, ah naga-ano kung magpasok diyan. Sabi ko wala akong kuwan diyan. Walay klaro ba, so wala rin akong knowledge," aniya.

Ngunit kinumpirma ni Police Brigadier General Eliseo Rasco, ang regional director ng Police Regional Office 12, na marami nang pulis sa General Santos City at iba pang units sa Region 12 ang nabiktima ng nasabing paluwagan scam.

"Last year pa, nagkakaroon na tayo ng advisory sa ating mga tao. Sinasabi ko sa kanila na do not engage diyan sa ganyang klaseng scam. That is a scam!" ani Rasco.

Ang sistema ng investment scheme, kukumbinsihin ang mga pulis na mag-invest sa paluwagan.

Sa loob ng 15 araw, tutubo daw ito ng 60 porsiyento o 120 porsiyento sa loob ng isang buwan. Pero hindi umano nakarating ang investment sa staff ng paluwagan dahil ibinulsa na umano ito ng ilang sindikatong pulis dahilan para bumagsak ang paluwagan.

"Ngayon nga ang daming nag-memessage sa atin at nagtatanong kung paano natin matutulungan itong mga pulis natin na na-scam. Ang sabi ko sa kanila, mag-file kayo ng formal complaint," dagdag ni Rasco.

Sa isang order, ipinatawag na ni Rasco ang mga opisyal ng GSCPO para bigyang linaw ang reklamo.

Samantala, hawak na ngayon ng National Bureau of Investigation sa General Santos City ang ilang affidavit ng mga nabiktima ng investment scam.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.