Secretary ni Teves, inakusahan ang ilang miyembro ng CIDG ng pananakot | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Secretary ni Teves, inakusahan ang ilang miyembro ng CIDG ng pananakot

Vivienne Gulla,
ABS-CBN News
Published Mar 20, 2023 10:02 PM PHT

CIDG, pumalag sa akusasyon ni Oray
CIDG, pumalag sa akusasyon ni Oray
Inakusahan ng personal secretary ni Rep. Arnolfo Teves Jr. ang ilang miyembro ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng pananakot para tumestigo laban sa mambabatas.

Hindi napigilan ni Hanna Mae Oray na maging emosyonal habang inilalahad niya ang kaniyang karanasan sa mga miyembro ng PNP-CIDG matapos siyang mapabilang sa mga inaresto sa isinagawang raid sa mga property ni Teves.

"Gusto nila na lumabas sa bunganga ko na inutusan ako ni Cong. Arnie na ako ang nagbabayad ng mga killer. Hindi po totoo ‘yun… ‘Pag inamin ko raw, hindi nila ako kakasuhan. 'Pag hindi nagcooperate, mabubulok daw ako sa bilangguan, patung-patong daw ang kaso na ipa-file sa akin… Sinabi pa na paduduguin ang bunganga ko," ayon kay Oray.

Dagdag pa ni Oray, inabutan umano siya ng papel na pinapipirmahan umano sa kaniya ng isang pulis.

ADVERTISEMENT
"Nakalagay doon na may granada 'yung bahay ko, dapat pirmahan. Tumagal ng 24 hours ang papel sa labas ng selda. Wala akong pinirmahan," ani Oray.

Hindi man umano siya sinaktan nang pisikal, malaki naman ang naging epekto ng sinapit na karanasan sa kaniyang emosyon at pag-iisip.

"May dalawa kasi akong anak eh. Naaawa ako sa kanila. Nasira po ang buhay ko eh. Ginawa po akong masamang tao. Ginawa akong criminal na wala naman akong ginagawang masama."

Naghain na nitong Lunes ng reklamo sa Commission on Human Rights laban sa ilang miyembro ng PNP-CIDG dahil sa umano'y paglabag ng mga ito sa kaniyang karapatang pantao.

Itinanggi naman ng CIDG ang alegasyon ng torture at harassment ng ni Oray.
Itinanggi naman ng CIDG ang alegasyon ng torture at harassment ng ni Oray.
ADVERTISEMENT
“No act of torture nor any form of threat or harassment was made to Oray who was treated well by our personnel during her detention in CIDG-NCR Custodial Facility,” sabi ni PBGen. Romeo Caramat Jr., acting director ng CIDG.

Ayon sa custodial officers ng CIDG-RFU NCR, madalas ring binibisita si Oray ng ng kaniyang kapatid at abogado.

Kasabay nito, inimbitahan din ng PNP si Oray na magsampa ng complaint sa CIDG at handa umano itong sagutin ang lahat ng ibinabato ni Oray sa mga miyembro ng kanilang hanay.