Bangkang pangisda, lumubog sa karagatan ng Guiuan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkang pangisda, lumubog sa karagatan ng Guiuan

Ranulfo Docdocan,
ABS-CBN News
Published Mar 20, 2019 07:45 PM PHT

GUIUAN, Eastern Samar - Lumubog ang isang commercial fishing vessel sa Itraban Reef sa Barangay Sulangan sa bayan ng Guiuan, Eastern Samar Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa impormasyon mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), noong nakaraang linggo pa sumadsad sa Itraban Reef ang fishing vessel na F/V Princess Janine 1 pero nitong Miyerkoles lamang ito lumubog.

Ligtas naman ang 16 na tripulante ng bangka.

Ayon kay BFAR Regional Director Juan Albaladejo, iniimbestigahan nila kung bakit napunta sa nasabing protected area ang nasabing fishing vessel dahil ipinagbabawal sa lugar na ito ang pangingisda.

Aalamin rin ng ahensiya kung magkano ang halaga ng pinsalang dulot ng pagsadsad ng bangka sa Itraban Reef.

Nakikipag-ugnayan na ang BFAR sa Philippine Coast Guard at Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa pinangangambahang oil spill sa nasabing lugar.