ALAMIN: Saklaw ng Child Safety in Motor Vehicles Act

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2019 12:45 PM | Updated as of Mar 20 2019 01:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Noong nakaraang linggo ay isinabatas na ang pagmamandato sa paggamit ng child safety car seats ng mga sasakyan kapag may lulan ito na bata.

Nakasaad sa Republic Act No. 11229 o "Child Safety in Motor Vehicles Act" na pagbabawalan na ang mga batang 12 anyos pababa na umupo sa harapan ng kotse maliban kung may tangkad silang 150 centimeters. 

Hindi pa malinaw kung sakop ng batas ang mga pampublikong sasakyan pero ayon kay Atty. Claire Castro, dapat ay isama rin ito. 

"[Sana naging pattern nila] para sa public utility vehicles. Let's say nasa bus ka, hindi siya talaga magiging applicable, so talagang inisip nila na bago i-kompleto ito," ani Castro. 

Multa hanggang pagsuspinde ng driver's licence ang aabutin ng mga lalabag sa batas. 

Wala pang inilalabas na implementing rules and regulation para sa batas. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.