'Shabu' sa kahon ng posporo nasamsam sa drug-bust; 2 arestado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Shabu' sa kahon ng posporo nasamsam sa drug-bust; 2 arestado

Nico Delfin,
ABS-CBN News
Published Mar 20, 2018 02:05 PM PHT

TALISAY CITY, Negros Occidental – Inaresto ang 2 lalaki sa isang anti-illegal drug operation ng pulisya sa Barangay Zone 12, Lunes ng gabi.

Ayon sa pulisya, 20 sachets ng hinihinalang shabu na nakalagay sa kahon ng posporo ang narekober mula sa dalawang suspek.

Pahayag ng isa sa mga suspek, nasa vulcanizing shop siya nang tutukan ng baril ng isang pulis. Nagtatakbo siya at doon na siya pinaputukan ng ilang beses.

Nagalit naman sa awtoridad ang ina ng isa sa mga nahuling suspek matapos na mabaril ang kaniyang anak sa kanang paa. Inireklamo rin ng kaniyang anak na sinaktan siya ng mga pulis.

Pero ayon kay Superintendent Adonis Rosales, gumanti lamang ng putok ang mga pulis matapos na barilin sila ng kasama ng anak ng ginang nang matunugan ang ikinasang buy-bust operation.

Dagdag pa ni Rosales, posibleng ang mga sugat na natamo ng anak ng ginang ay mula sa pagpupumiglas nito sa pagtangkang makatakas.

Nakatunog umano ang mga suspek na poseur-buyer ang binebentahan nila ng shabu kaya’t agad na tumakas.

Itinanggi naman ng 2 suspek na may armas silang dala. Handa silang magsampa ng kaso laban sa mga nakasama sa buy-bust operation habang inihahanda na rin ng awtoridad ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga suspek.