3 huli kaugnay sa ninakaw na ventilator sa QC; pulis tinangka umanong suhulan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 huli kaugnay sa ninakaw na ventilator sa QC; pulis tinangka umanong suhulan

ABS-CBN News

Clipboard

Ninakaw ang isang portable ventilator sa isang ospital sa Quezon City kamakailan.
Ninakaw ang isang portable ventilator sa isang ospital sa Quezon City kamakailan.

MAYNILA — Arestado ang 3 tao kaugnay sa pagnanakaw umano ng isang portable ventilator sa isang opsital sa Quezon City.

Kabilang sa mga natimbog ang isang empleyado ng ospital, na nakuhanan umano ng CCTV na tinangay ang ventilator na nagkakahalagang P800,000.

Natuklasan umanong nawawala ang ventilator matapos mag-imbentaryo ang mga tauhan ng ospital, kaya ni-review ang CCTV at nakita ang pagnanakaw.

Nahuli naman noong Sabado sa Maynila ang 34 anyos na lalaki na bumili online ng ninakaw na ventilator sa halagang P55,000.

ADVERTISEMENT

Kinagabihan, dumating ang kaibigan ng bumili ng ventilator para suhulan ng P5,000 ang mga pulis kaya hinuli rin ito.

Makakasuhan ng qualified theft at paglabag sa Presidential Decree No. 1612 o Anti-Fencing Law ang mga suspek.

— Ulat ni Champ de Lunas, ABS-CBN News

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.