8 construction workers sa Maynila, naglakad pauwi ng Pangasinan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
8 construction workers sa Maynila, naglakad pauwi ng Pangasinan

Joanna Tacason,
ABS-CBN News
Published Mar 19, 2020 05:40 PM PHT
|
Updated Mar 19, 2020 06:18 PM PHT

MANAOAG Pangasinan - Maagang kalbaryo ang paglalakad na ginawa ng grupo ng 8 construction workers para lamang makauwi ng Pangasinan mula Maynila sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon sa grupo, nagpursige silang maglakad para makauwi sa kanilang mga pamilya sa bayan sa Manaoag.

Kuwento ni Jerry Estacio, Lunes ng hapon nang sabihan silang wala nang pasok dahil sa community quarantine na ipinatutupad bilang hakbang laban sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil kanselado na ang mga biyahe ng pampublikong sasakyan, nagdesisyon silang maglakad na lamang.

ADVERTISEMENT
Mula Katipunan sa Quezon City, nakarating sila ng Valenzuela City ng alas-8 ng gabi. Mula roon, diniretso nila ang paglalakad papuntang Meycauayan, Bulacan.

"Kapag napagod, pahinga konti kakain, mga 5 minutes aabante na naman para makauwi kami agad," sabi ni Estacio.

Laking pasalamat naman nila at may nagmagandang-loob na mga pulis na naawa sa kanila at pinasakay sila mula Bulacan hanggang Sta. Rosa, Nueva Ecija.

"Doon daan nila. Tapos mula sa Sta. Rosa, nilakad ulit namin papunta ng Gerona. Doon na kami sinundo ni kapitan. Talagang wala kaming masakyan," saad niya.

Hindi alintana ng grupo ang pagod, init ng araw at gutom, maging ang sakit sa katawan para lamang makauwi sa kani-kanilang mga pamilya.

Dumaan din sila sa mga inilatag na checkpoint.

"Dahil sa paglalakad, tiis lang, medyo konting tiis. Pakiusap lang sa checkpoint, ingat lang kayo sabi sa amin. Masaya kami kasi nakauwi kami sa pamilya," dagdag naman ni Marcelino Estacio.

Agad sinuri ang kanilang kalusugan ng Municipal Health Office. Matapos matiyak na wala silang simtomas o sakit, pinauwi na sila sa kanilang Barangay sa Pugaro para sumailalim naman sa 14-day quarantine.

Lahat sila ay itinuturing persons under monitoring dahil galing sila sa Maynila kung saan may local transmission ng COVID-19.

"Sinabihan namin sila na huwag umalis ng bahay within 14-days. Sabi ko kung may lagnat o sipon mag-report kayo agad sa amin para maaksiyunan ng barangay at maireport sa health office," sabi ni Bonifacio Bigay, chairman ng Barangay Pugaro.

Samantala, nangako naman ang kanilang kumpanya na makababalik sila sa trabaho matapos ang enhanced community quarantine.

Read More:
construction workers
Philippines coronavirus update
Luzon enhanced community quarantine
Pangasinan
Tagalog news
Regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT