TINGNAN: Mga bagong bagon ng Philippine National Railways | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Mga bagong bagon ng Philippine National Railways

TINGNAN: Mga bagong bagon ng Philippine National Railways

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Ipinasilip sa media nitong Biyernes ang mga bagong bagon ng Philippine National Railways (PNR) na bahagi ng kanilang North-South Railway Commuter project.

Mayroon itong 8-car train formation at habang 160 meters. Mas mahaba ito kaysa sa mga tren ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at MRT-7, at mas mahaba rin kaysa sa Inka Diesel-Electric Multiple Unit (DEMU) at Inka Locomotive train sets ng PNR.

Kakayanin nitong makapag-serbisyo sa 2,228 pasahero kada train set. Tatakbo rin ito sa bilis na 120kph, kaya tiyak ang seamless, hassle-free, at efficient na biyahe.

Ang unang train para sa proyekto ay dumating sa Port of Manila noong ika-20 ng Nobyembre 2021.

ADVERTISEMENT

Dumaan at nakapasa sa Factory Acceptance Test sa J-TREC Factory sa Japan ang trainset noong Oktubre 2021, bago ito ma-deliver sa bansa.

Oras na maging operational ang PNR Clark Phase 1, magiging 35 minuto na lamang ang biyahe mula at patungong Malolos, Bulacan, at Tutuban, Manila, mula sa kasalukuyang isa't kalahating oras.

Nasa 300,000 pasahero ang inaasahang mase-serbisyuhan nito.

Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, makakatulong ang North-South Commuter Railway sa decongestion ng mga kalye. Ang partial operability nito ay 2023.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.