PatrolPH

Suspek na nagtago ng 12 taon dahil sa panggagahasa ng bata, arestado

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2021 03:49 AM

Nahuli ng pulisya ang isang suspek na nagtago ng 12 taon dahil sa umano'y panggagahasa niya ng isang menor de edad na babae sa Las Piñas City.

Natunton ng mga awtoridad ang suspek na si Joel Beron sa Pulang Lupa 2 at hinain laban sa kaniya ang isang warrant of arrest sa kasong rape.

Ayon sa PNP-AKG, ilang beses na ginahasa ni Beron ang isang 8-anyos noong 2009.

Nakakulong na sa PNP-AKG headquarters ang suspek.

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.