PatrolPH

Tag-init malapit nang magsimula: PAGASA

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2023 10:41 AM | Updated as of Mar 17 2023 10:16 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA (UPDATED)— Parating na ang dry season o tag-init sa bansa, sinabi ng state weather bureau PAGASA ngayong Biyernes. 

"Nalalapit na po ang pagtatapos ng amihan season at maaaring sa susunod na linggo hanggang sa mga huling araw ng Marso ay magsimula na ang tinatawag natin na warm, dry season o tag-init sa Pilipinas," sabi ni PAGASA weather specialist Benison Estareja. 

Patuloy aniya ang paghina ng malamig na amihan o northeast monsoon na nakakaapekto na lamang sa hilaga at gitnang Luzon, habang unti-unti namang lumalapit sa bansa ang easterlies o mainit at maalinsangang hangin galing sa Pacific Ocean. 

Samantala, nalusaw na ang low pressure area sa silangan ng Visayas na binantayan ng PAGASA nitong mga nagdaang araw. Tanging cloud remnants o mga natitirang kaulapan na lamang ang maaaring magpaulan sa ilang bahagi ng Visayas at southern Luzon, ani Estareja. 

Magdadala naman ang amihan ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitang may mahinang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, at Central Luzon ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA. 

Maaaring makaranas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng pulo-pulong pag-ulan dahil sa localized thunderstorms. 

— Ian Jay Capati

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.