Fact Check: Putol ang pahayag ni Sharon Cuneta na kumakalat sa social media | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Fact Check: Putol ang pahayag ni Sharon Cuneta na kumakalat sa social media

Fact Check: Putol ang pahayag ni Sharon Cuneta na kumakalat sa social media

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

 | 

Updated Dec 13, 2024 10:00 PM PHT

Clipboard

factcheck

Hindi kumpleto ang kumakalat na Tiktok video ng speech ni Sharon Cuneta sa Negros Occidental People’s Rally ng Robredo-Pangilinan team sa Bacolod City.

Sa video, makikitang sinabi ni Megastar na si presidential aspirant Leni Robredo ang magiging kauna-unahang presidente na paniniwalaan ng NPA at kaibigan ng Abu Sayyaf.

Ngunit kung panonoorin ang buong speech ni Cuneta sa ginanap na rally noong Marso 11, maririnig na sinabi muna nito na maraming mahilig magkalat ng fake news at kasama na nga rito ang paratang na si Robredo ay kakampi ng NPA.

“Maraming mahilig magkalat ng fake news. Wala na silang masira kay Ma’am Leni. Ang bago kakampi na daw ng NPA. Sabi ko that’s not true. Pero akalain mo kung totoo yun, aba’y siya magiging kauna-unahang presidente na paniniwalaan ng NPA. E ‘di pati Abu Sayyaf friends na natin. Wala nang terrorist.”

ADVERTISEMENT

Matatandaang sinabi ni Cavite Representative Jesus Crispin “Boying” Remulla sa isang radio show na ang mga dumalo sa isang campaign rally sa Cavite ay bayad at konektado sa komunistang grupo.

Sinabi ni Remulla ang paratang na ito isang araw matapos ang campaign rally ni Robredo sa General Trias, Cavite noong Marso 4. Agad naman itong pinabulaanan ng kampo ni Robredo.

Ang buong speech at performance ni Sharon Cuneta ay makikita sa official YouTube page ni VP Leni Robredo sa timestamp na 4:07:10-4:21:16.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ang Tiktok video ay makikita sa post ng @windmillshot na may mahigit 900,000 views, 26,000 likes, 7,000 comments at 3,000 shares habang sinusulat ang ulat na ito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.