SUV humarurot, sumalpok sa bangko sa QC | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SUV humarurot, sumalpok sa bangko sa QC
SUV humarurot, sumalpok sa bangko sa QC
Bianca Dava,
ABS-CBN News
Published Mar 17, 2021 02:25 PM PHT
|
Updated Mar 17, 2021 08:29 PM PHT

MAYNILA – Isang sports utility vehicle (SUV) ang sumalpok sa gusali ng isang bangko sa Quezon City nitong umaga ng Miyerkoles.

Paalis na ng bangko sa may Congressional Avenue ang driver ng sasakyan — na isang 64 taong gulang na babaeng medical practitioner mula sa Manila Health Department — nang mangyari ang insidente, anang imbestigador na si Police Staff Sgt. Ruel Ang.

"Nag-withdraw siya sa ATM. When she left around 7:30 a.m., paalis na siya eh, paatras po siya, naramdaman niya po 'yung sasakyan niya na pasulong," kuwento ni Ang sa ABS-CBN News.

"Pinatay niya po ang engine niya, then tinry niyang ikambyo sa park, she started again, then the vehicle moved forward. Bumulusok na po siya tuluy-tuloy," aniya.

ADVERTISEMENT
Umabot hanggang counter ng bangko ang sasakyan, dahilan para masira ang ilang property tulad ng isang ATM at mga computer.

"Nagulat nalang kami may usok na lumabas. Ang itim, tapos biglang umarangkada papasok," sabi ng tinderang si Zenaida Morado, na natunghayan ang pangyayari.

Wala namang tinamong injury ang driver pero nasugatan ang 2 empleyado ng bangko.

Ayon kay Ang, maaaring maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in damage to property with slight physical injury ang babaeng driver.

Inaalam na rin ng mga imbestigador ang sanhi ng pagbulusok ng sasakyan.

FROM THE ARCHIVES:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT