Higit 60 residente nahuling lumalabag sa curfew sa Caloocan at Navotas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 60 residente nahuling lumalabag sa curfew sa Caloocan at Navotas

Higit 60 residente nahuling lumalabag sa curfew sa Caloocan at Navotas

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Higit 60 ang bilang ng mga bagong nahuling residente na lumabag sa unified curfew hours sa Caloocan at Navotas.

Sa Caloocan, mula sa 80 indibidwal na nahuli nitong Lunes, bumaba sa 58 ang bilang ng mga nagpalipas ng gabi sa kanilang temporary custodial facility. Ito'y mga residente na nahuling nasa kalsada kahit nakairal ang curfew na mula 10 p.m. hanggang 5 a.m.

Ang mga nahuli ay tiniketan at sinailalim sa seminar bago pinauwi.

Sa Navotas, mula sa mahigit 10 na natiketan sa checkpoint nila sa Radial Road 10 nitong Lunes, nasa 7 na lang ang natiketan Martes ng madaling araw.

ADVERTISEMENT

Nasa mahigit 15 naman ang natiketan ng pulisya sa checkpoint sa C4 Rad.

Sa huling tala, 759 na kaso ng COVID-19 ang aktibo pa sa Navotas habang 756 naman sa Caloocan.--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.