1 patay, 1 sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa Iloilo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 patay, 1 sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa Iloilo

1 patay, 1 sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa Iloilo

ABS-CBN News

Clipboard

Nagpang-abot ang dalawang motorsiklo sa gitna ng highway sa Barangay 1 sa bayan ng San Miguel, Iloilo na ikinasawi ng isa. Larawan mula sa San Miguel Police

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang isa pa sa aksidenteng kinasangkutan ng dalawang motorsiklo sa Barangay 1, San Miguel, Iloilo, Lunes ng umaga.

Nakilala ang namatay na si Felix Caaya, 21, habang sugatan naman si Julie Mar Claro, 25.

Sa imbestigasyon ng San Miguel Police, nagsalpukan ang dalawang motorsiklo sa gitna ng highway.

Hindi umano namalayan ni Claro ang biglang pagtawid ng motorsiklo ni Caaya at nagpang-abot ang kanilang mga motorsiklo.

ADVERTISEMENT

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang dalawang driver.

Kaagad na dinala sa ospital ang dalawang biktima pero namatay habang ginagamot si Caaya.

- Ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.