Pilipinas isinailalim sa State of Calamity kontra pagkalat ng COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pilipinas isinailalim sa State of Calamity kontra pagkalat ng COVID-19

ABS-CBN News
Published Mar 17, 2020 07:09 PM PHT
|
Updated Mar 17, 2020 08:11 PM PHT

MAYNILA – Idineklara ngayong Martes ni Pangulong Rodrigo Duterte ang State of Calamity sa buong bansa sa harap ng patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Proclamation No. 929, anim na buwan isasailalim sa state of calamity ang Pilipinas pero puwede raw itong palawigin o umikli depende sa mga pangyayari.

Sa ilalim ng state of calamity, mas mabibigyan ng mas malawak na access ang national government at mga local government unit (LGU) sa kinakailangang pondo, kabilang ang quick response fund, para sa disaster preparedness.

Nitong Lunes lang, isinailalim ni Duterte ang buong Luzon sa enhanced community quarantine kung saan inatasan ang lahat na manatili sa bahay at sinuspinde din ang public transportation.

Sa huling tala nitong Martes, umabot na sa 187 ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health. –Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News