EXCLUSIVE: Konsehal, mga pulis, sundalo, arestado sa online sabong sa Bulacan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
EXCLUSIVE: Konsehal, mga pulis, sundalo, arestado sa online sabong sa Bulacan

Maan Macapagal,
ABS-CBN News
Published Mar 17, 2018 11:24 AM PHT
|
Updated Dec 03, 2018 12:32 PM PHT

BALIWAG, Bulacan - Isang konsehal, mga pulis, sundalo, at ilang kawani ng gobyerno ang kabilang sa 150 na naaresto nang magsagawa ng raid laban sa isang online sabong operation dito, Biyernes ng gabi.

Isinagawa ang raid sa Globaliwag restaurant matapos magreklamo ang ilang residente na mayroong nagpapatakbo ng ilegal na pasugalan sa kanilang lugar.

"We received a complaint from a constituent, probably a resident in this area, that a lot of residents in this area are into this kind of gambling activity, affected na ang lifestyle nila," ani Senior Supt. Jose Chiquito Malayo.

Giit ng may-ari ng restaurant, bagama't mayroon siyang permit para mag-operate ng online sabong, hindi umano siya nagpapataya sa mga customer na nanonood ng ilegal na laro habang kumakain.

Ipinakita ng may-ari ng restaurant sa mga awtoridad ang isang business permit na inisyu ng Baliwag City Hall para sa UFCC Meridien Visita Pay Per View.

Ipinakita rin niya ang isang expired na certificate of appointment mula sa North Cagayan Gaming And Amusement Corporation.

"Nagpapa-viewing lang ako, 'di ko na alam 'yung ginagawa nila. Parang Pacquiao lang sa ibang bansa. Nagpapapasok ako ng taong may bayad, hindi ko na mapigil, sila-sila lang 'yan. Restaurant lang po ako," sabi ng may-ari ng restaurant.

Itinanggi naman ng arestadong konsehal na siya ay lulong sa ilegal na sugal.

"Sabi ng mga kasamahan ko, dito na lang kami magkita-kita, pumasok ako dito. Nagsusugal ako pero hindi lang sa ganito, sa sabungan," sabi ng konsehal.

Giit naman ng isang arestadong empleyado ng Quezon City Hall, hindi nila alam na ilegal ang pagtaya sa naturang palaruan ng "e-sabong."

"Naglilibang lang po eh. Nagbabayad po kami sa pinto, naglilibang lang po kami [sa] sabong. Hindi namin alam, sabi may permit daw eh," sabi ng isa sa mga naaresto.

Ang ilan sa mga pulis na nahuli ay nakatambay lamang sa labas ng restaurant, ngunit giit ni Malayo, maaari pa rin silang maharap sa ilang kaso dahil wala silang ginawa upang pigilan ang ilegal na pagsusugal sa lugar.

"Supposedly, sila ang manghuhuli sa ilegal na bagay na nasa harapan nila," ani Malayo.

Nauna nang sinabi ni Philippine National Police chief Director General Ronald Dela Rosa na ipapatupad ang one-strike policy laban sa mga pulis na mahuhuling naglalagi sa mga pasugalan.

Ang mga naaresto ay haharap sa mga kasong paglabag sa batas laban sa illegal gambling at sa Cybercrime Prevention Act.

Ang mga kawani ng pamahalaan na naaresto sa raid ay maaari ring sampahan ng mga kasong administratibo.