Thermal scanners sa ilang checkpoint pumalya | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Thermal scanners sa ilang checkpoint pumalya

Thermal scanners sa ilang checkpoint pumalya

Chiara Zambrano,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 16, 2020 07:12 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Nagkaroon ng aberya ang ilang checkpoint na itinalaga sa kalagitnaan ng Metro Manila quarantine.

Ito pa lang ang ika-2 araw ng community quarantine sa Metro Manila, at tatagal pa ito hanggang Abril 14.

Ipinatupad ito upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isa sa mga boundary ng Metro Manila at lalawigan ng Rizal, magkakatulong sa border check ang mga municipal health worker, traffic enforcer, at Highway Patrol Group.

ADVERTISEMENT

Di gaya ng ibang checkpoint, walang nagche-check ng ID doon dahil naghihintay umano sila ng pinal at mas klarong utos mula sa mga kinauukulan.

Isa pang kapansin-pansin doon ang ilang thermal scanner na mababa masyado ang nakukuhang temperatura.

Ang normal na temperatura dapat ay 36 o 37 degrees Celsius pero ang lumalabas sa ilan ay 31, 29, minsan pa ay 25.

"Medyo masakit na sa braso... Kasi alas-6 pa lang ng umaga namin ginagawa itong baril-baril," ani Rizalino Diaz, traffic enforcer.

Gayunman, wala namang mga motorista ang nagrereklamo.

Sa huling tala, 140 na ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ang 12 na dito ang namatay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.