Babae patay sa sunog sa Pateros | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae patay sa sunog sa Pateros

Babae patay sa sunog sa Pateros

ABS-CBN News

Clipboard

Isang babae ang kumpirmadong patay sa naganap na sunog sa Pateros nitong Sabado ng tanghali.

Nasa 20 bahay ang tinupok ng sunog sa Lozada Street, Barangay Santo Rosario, Kanluran, Pateros na naapula pasado ala-1 ng hapon.

Umakyat ang sunog sa ika-3 alarma.

Ayon kay Police Lieutenant Demetrio Sablan ng Pateros Fire Safety Section, natuklasan nila ang naabong bangkay ng babae matapos ang pag-apula sa sunog.

ADVERTISEMENT

Hindi pa pinangalan ni Sablan ang biktima dahil ang SOCO na ang mangangasiwa dito.

Bukod sa nasawing biktima, isa rin ang malubhang nasaktan na insidente.

Inaalam pa rin ang pinagmulan ng sunog.

—Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.